Derek umaming may kabit: Siya ang kayakap ko pag wala si Andrea

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

INAMIN ni Derek Ramsay na meron siyang “kabit”. Ito raw ang kayakap niya kapag hindi sila magkasama ni Andrea Torres.

Ayon sa Kapuso hunk, alam daw ito ng kanyang girlfriend. Pero wait lang, bago kayo mag-isip ng masama agad nilinaw ni Derek na hindi ito tao. 

Ang tinutukoy niya ay ang mahabang unan nito na mula sa Japan na kung tawagin ay athlete’s pole. Hinihigaan daw niya ito upang makatulong sa pag-align ng spine at pag-strengthen ng kanyang core. 

“Ito ang aking kabit. You might be wondering what this is. Kapag wala si Andrea, ito ang aking baby,” biro pa ni Derek. 

Sa kanyang YouTube video ay ibinahagi ng aktor ang mga bagay na hindi niya raw kakayaning mabuhay ng wala gaya ng car keys at ang necklace na bigay sa kanya ni Andrea. 

Pansin naman ng viewers ang kakaibang glow daw ni Derek simula nang maging sila ni Andrea, “You look so happy with Andrea! I haven’t seen you proud of a girlfriend except for this time! Goodluck!” 

Samantala, magbabalik-telebisyon na rin ang tambalang AndRek sa GMA series na Sanggang Dikit na isa namang action-drama, malayung-malayo ito sa huli nilang pinagbidahang serye na The Better Woman. 

Read more...