Marami nang artistang nabuburyong ngayon dahil sa paglalagi na lang sa kani-kanilang bahay. Wala silang shooting at taping, hindi sila maaaring lumabas ng bahay para makaiwas na mahagip ng corona virus, bagong mundo ang ganito para sa kanila.
Si Cogie Domingo pala ay marunong namang matakot, “house arrest” lang din siya ngayon, hindi tulad nang dati na sa pagmumulat pa lang ng kanyang mga mata sa umaga ay sakay na ng kanyang motorsiklo at kung saan-saang lupalop nakararating.
Madalas naming pagpayuhan ang aktor na mag-ingat sa pagmomotor, dahil kung ang mga sasakyan ngang may apat na gulong ay naaaksidente, ang motor pa kaya na isang malaking bato lang ang mahagip ay aksidente na agad ang kinauuwian?
Pero wala siyang kadala-dala, nagugulat na lang kami dahil bigla siyang sumusulpot sa aming gallery o kaya’y sa aming programa sa radyo.
Pero dahil sa COVID-19 ay napahinga si Cogie, nabuburyong man siya ay walang pamimilian ang guwapong aktor kundi ang manahimik sa bahay, para hindi siya magkasakit.
Dapat lang naman, iisa lang ang ating buhay, meron man siyang pambili ay hindi naman ibinebenta ang buhay kahit saan.
Cogie ‘naka-house arrest,’ takot mahawa ng virus
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...