Emergency Employment Program sa Covid-19

UPANG makatulong sa mga manggagawa na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Magpapalabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng aabot sa P1.3 bilyong tulong sa ilalim ng COVID-19 adjustment measures program upang maaayudahan ang aabot sa 250,000 manggagawang apektado ng sitwasyon.

Bahagi ito ng paunang ayuda para sa financial assistance sa mga manggagawang nasa quarantine area na hindi na makapasok sa kanilang trabaho.

Ipinatupad din ang P180 milyong emergency employment program sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) upang makatulong sa 18,000 informal sector workers .

Ang initial allocation para sa TUPAD ay ibibigay sa mga barangay workers para i disinfect ang communities , habang ang AMP ay para sa financial assistance sa mga quarantined.

Malaking tulong ang nasabing hakbangin upang kahit papaaano ay makaagapay sa epekto ng kasalukuyang global health emergency.

Tunay nga binago ng COVID-19 ang normal na buhay ng mga workers at lubhang napakahirap ng kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Muling umapela ang DOLE sa mga employer na tulungan nang pangpinansyal ang kanilang mga empleyado sa ganitong panahon ng pangangailangan.

Hiniling din sa mga manggagawa ng kooperasyon sa gobyerno at sa kanilang mga employer para pagtulungang labanan at pigilan ang pagkalat ng virus.

 ***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream. tv/channel/dziq

Read more...