BINALAAN ni Pangulong Duterte ang mga local government units (LGUs) na hindi susunod sa mga patakaran na ipinalabas ng pambansang gobyerno kaugnay ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Hindi naman pinangalanan ni Duterte kung kanino patama ang kanyang pahayag, bagamat lumalabas na si Pasig City Mayor Vico Sotto ang nais na bigyan ng babala.
“Let me add my own words. I’m really very sorry but I have to do it. Now I call [upon] LGUs. The national government needs your help during this time, but I want to tell you: Do not make this quarantine or quarantine more difficult for our people than it already is. LGUs should take note of this — that at this time let us make ourselves clear that we are not a separate from a republic or from each other,” sabi ni Duterte sa kanyang video message.
Matatandaang napaiyak sa pagkadismaya si Pasig City Mayor Vico Sotto sa harap naman ng pagpigil na makabiyahe ang mga tricycle sa lungsod.
“There is only one republic here, the Republic of the Philippines. And therefore, you should abide by the directives of the national government when it sets abide by the directives of the whole for the good of the country and the protocols observed during the time of the lockdown,” dagdag ni Duterte.
Ayon pa kay Sotto, mas maraming maysakit ang mamatay dahil sa walang masakyan ang mga may karamdaman.
Pinayuhan naman siya ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mag-arkila na lamang ng ibang public utility vehicles (PUVs) kagaya ng jeepney imbes na tricycle.