Bitoy sa mga Pinoy: Wag matigas ang ulo!

MICHAEL V

KILALA ang multi-awarded content creator na si Michael V. sa mga bentang-benta jokes on-screen at maging sa social media.

Ngunit nitong mga nakaraang araw, malaman ang mga naging paalala niya sa netizens sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo sa COVID-19.

Sa isang Instagram post, nagpaalala si Bitoy na, “Be safe with your families everyone! P’wedeng tawanan ang mga jokes pero community quarantine is a serious matter.
“‘Pag nagkasakit ka (kahit hindi COVID-19) at dinala ka sa ospital, there’s a chance na mahawa at makahawa ka. Kaya make the most out of your time. ‘Pag hindi matigas ang ulo, mas mabilis matatapos ‘to. #WagMatigasAngUlo”.
Dagdag pa ng Bubble Gang at Pepito Manaloto lead actor, “Basta magdasal lang tayo at ‘wag matigas ang ulo, mahahanapan ‘yan ng lunas sigurado.”

Read more...