TILA may ibang meaning ang “huquote” o hugot quote ng dating sexy star na si Ellen Adarna patungkol sa patuloy na pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.
Nag-post si Ellen sa kanyang Instagram story ng isang art card kung saan nakasulat ang isang paalala sa publiko na mag-stay na lang sa bahay habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine para hindi na lumala pa ang problema ng bansa sa virus.
“Stay home for 1 month di mo kaya? Nag-stay ka nga sa maling tao for how many years, kinaya mo,” ayon sa post ni Ellen.
Maraming nagkomento na tila pasaring ito ng dating aktres sa ex-botfriend niyang si John Lloyd Cruz. Feeling nila talagang may bahid ng katotohanan ang mga chika na hindi naging maayos ang break up nila ng aktor.
Kung matatandaan, napabalitang ilang buwan lang ang nakalipas matapos maghiwalay ang dalawa ay may bago nang karelasyon si Ellen.
Sa ilang Instagram post ng dating sexy actress ay makikita ang isang non-showbiz guy na lagi niyang kasama. Huli silang nakita together na nagbabakasyon.
Samantala, dinenay ni Ellen ang fake news na nagpositibo siya sa COVID-19. Kinailangan lang niyang mag-self quarantine dahil kauuwi nga lang niya mula sa Bali, Indonesia kung saan siya sumailalim sa ilang araw na wellness retreat.