Sandy: OK si Boyet, hindi kami nagpa-panic

“Okay na okay siya,” ang paniniguro ng aktres na si Sandy Andolong sa kundisyon ng asawang si Christopher de Leon matapos mag-positive sa COVID-19.

“Wala nang ibang symptoms, sipon lang. In fact, hindi worried ang mga doktor sa kanya kasi mukhang malakas siya,” pahayag ni Sandy sa panayam ng GMA.

Hindi rin daw sila nagpa-panic tungkol sa sitwasyon ni Boyet, “Kalma lang, hindi kami nagpa-panic. Malakas ang pananampalataya namin sa Panginoon.”

May payo naman ang aktres sa lahat ng Filipino habang pinaiiral ang enhanced community quarantine, “Sundin nila ‘yung advice ng gobyerno at DOH. Stay at home, stay safe and don’t panic.”

Naka-self-quarantine rin sa kanilang tahanan si Sandy pato ang anak nila ni Boyet na si Mica at ang isa nilang kasambahay.

Read more...