HELLO po Ateng Beth!
Good morning po, tawagin na lang po ninyo ako sa pangalang Lee. Ako po ay taga Quezon province.
Isa po akong college student at 19 years old.
Mayroon po akong BF ngayon kaya lamang ay LDR (long distance relationship) po kami. Hindi ko po maiwasan ang maghinala sa kanya kahit mag-iisang taon na ang relasyon namin. Kaya ko po iyan nasabi kasi po sa loob ng isang taon na iyan ay puro away, selosan at sumbatan po ang nangyayari.
Tapos in the end naman ay nagkakabati rin kami. Itatanong ko lang po, marapat po ba na ipagpatuloy ang relasyon namin na kung saan, ako ay walang tiwala at siya naman ay seloso.
Thank you po.
Lee, ng Quezon
Hello Lee ng Quezon!
Isang mainit na araw sa iyo at sana naman ay di ka lumalabas ng bahay dahil nga quarantine tayo, di ba?
Anyway tungkol sa tanong mo, sa totoo lang napakahirap ng isang relasyon na walang tiwala ang isa’t isa. Remember, pundasyon ng isang maayos na relasyon ay tiwala bukod pa respeto. Pero, ano bang dahilan kung bakit hindi ka mapalagay at hindi niya makuha ang pagtitiwala mo?
May basehan ba ito? Most of the time, meron yan at iyon ang kailangan mong alamin sa iyong sarili. Pinag-uusapan ba ninyo nang maayos ang mga issues ninyo? Tumagal kayo ng isang taon pero masasabi mo bang totoong relasyon ang nangyari kung hindi ito base sa pagtitiwala? In the end, it will be up to you Lee.
To share a quote from Paulo Coelho: “None of us knows what might happen even the next minute, yet still we go forward. Because we trust. Because we have Faith.” Sana ma-resolve ninyo ang isyu ninyo, ang hirap tumagal sa isang relasyon na walang tiwala ang isa’t isa, otherwise mas mabuting maghiwalay na lang.