SA panahon ng pagsubok tulad ngayon ay napakahalaga ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.
At sa puntong ito ay malaki ang maitutulong ng mga pulitiko at lider ng mga simbahan para pag-isahin ang hati-hating emosyon ng mga tao.
Nakadidismaya dahil hanggang ngayon ay aktibo sa kanyang pagpapakalat ng mga fake news at adelentadong impormasyon ang isang kilalang lider ng isang simbahan.
Noon pa man ay kilala siyang supporter ng isang talunang pulitiko pero hindi tulad ni Mr. Politician na naka moved-on na, ang ating bida ay nakabaon pa rin sa kumunoy ng kababawan.
Masyado siyang aktibo sa kanyang Facebook postings pero imbes na magbigay ng inspirasyon sa publiko ay panay kalokohan at paninira ang ibinibida niyang impormasyon.
Sinabi tuloy ng ilang netizen na maituturing na rin si Father bilang makabagong Padre Damaso. Pati ang ilan sa kanyang mga benefactors ay nadidismaya sa kaplastikan ng taong ito na tuwing kaharap nila ay nakasuot pa ng abito.
Hindi ko ugaling pumuna ng mga religious leader pero ibang usapan na kung sila pa mismo ang mangunguna sa pagkakahati-hati ng mga Pilipino lalo na sa panahong tulad nito.
Panalangin ang kailangan ng mundo at hindi ang pagiging ipokrito mo! Di ba Father? Ang bida sa ating kwentong totooo ngayong araw na ito ay si Father A…as in Arinola.