Zambales nilindol

ZAMBALES

NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang Zambales  ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:49 ng hapon.

Ang epicenter ng lindol ay 30 kilometro sa kanluran ng San Felipe. May lalim itong 25 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Olongapo City at Intensity I naman sa Guagua, Pampanga.

Read more...