“Alert Level 1 means that the volcano is still in abnormal condition and should not be interpreted that unrest has ceased or that the threat of an eruption has disappeared. Should an uptrend or pronounced change in monitored parameters forewarn of renewed unrest, the Alert Level may be raised back to Alert Level 2,” saad ng advisory ng Phivolcs.
Kung magpapatuloy umano ang pananahimik ng bulkan ay maaaring ibaba na ito sa Alert Level 0.
Noong Pebrero 14 ibinaba ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang Taal matapos na mabawasan ang mga aktibidad nito na indikasyon ng posibleng pagsabog.
Mula sa 141 volcanic earthquake daily average na naitatala mula Enero 26 hanggang Pebrero 14, bumaba ito sa 31 lindol na average kada araw mula Pebrero 14 hanggang kahapon.
Humupa na rin umano ang pamamaga ng bulkan bukod pa sa nabawasan na rin ang sulfur dioxide na inilalabas nito.
“DOST-PHIVOLCS reminds the public that at Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within TVI (Taal Volcano Island).”