Ethel dinipensahan si Vico versus Mocha: Mas okay ang pabebe kaysa pabobo!

WITH her usual hard hitting humor, tinawag na ‘pabobo’ ni Ethel Booba si Mocha Uson.

May isang netizen kasi ang nagshare ng FB post ng official Facebook page ng Mocha Uson Blog sa kanya.

Sa post, binatikos ang pakiusap ni Mayor Vico Sotto na huwag sanang pigilan ang pag operate ng mga tricycle.

Tinawag namang “pabebe” ni Mocha si Vico.

“POSTED BY ADMIN BANAT BY”

“Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah.” ayon sa post.

Dumepensa naman si Ethel kay Vico at sinabihan pa si Mocha na magpraktis ng social media distancing.

 

Read more...