INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO) na iwasan ng mga taong may sintomas ng coronavirus disease (COVID-19) ang pag-inom ng ibuprofen, matapos na magbabala ang mga French officials na maaari lamang palalain ng mga anti-inflammatory drugs ang epekto ng virus.
Nagbabala si French Health Minister Olivier Veran matapos ang pinakahuling pag-aaral ng The Lancet medical journal kung saan lumalabas na maaaring lumala ang kalagayan ng mga pasyente sa pag-inom ng anti-inflammatory drugs, kagaya ng ibuprofen.
“In the meantime, we recommend using rather paracetamol, and do not use ibuprofen as a self-medication. That’s important,” sabi ni said WHO spokesperson Christian Lindmeier.
Iginiit naman ni Lindmeier na dapat ding inumin ng tama ang paracetamol dahil sa epekto nito sa liver.