Lea, iba pang celebs walang paki sa mahihirap: Hindi nila alam ang feeling ng gutom!

TAMA si direk Jay Altarejos. Masyadong insensitive itong sina Lea Salonga, Maritoni Fernandez at James Deakin when they posted this message: “To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”

With that, pinatutsadahan ni direk Jay si Aling Lea.

“Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON…Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain?

“Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.”

Feeling intelligent kasi ang tatlo who conveniently forgot, perhaps out of wanting to display their Einstein level of intelligence, na unang-una, there are poor citizens of this country na walang TV.

They also conveniently forgot that poor that most Pinoys are ay wala silang pang-subscribe sa Netflix, pagkain nga nila ng tatlong beses isang araw ay nahihirapan pa silang iraos, ‘yung pa kayang Netflix subscription.

Bakit ba masyadong feeling itong tatlong ito? Is it because they were born rich? Nasaan ang mga utak nila for posting that message? Have they not thought na mayroon mahihirap sa paligid nila?

Hindi ba nila naisip na the ones complaining about the community quarantine and curfews ay ‘yung mga simpleng mamamayan na nagtitinda ng kung anu-ano sa kalye, ‘yung mga arawan ang suweldo na no work no pay, ‘yung mga magulang na maraming anak na kailangang pakainin.

Clearly, rich that they are, wala silang pakialam doon, they don’t care a bit kung magutom man sila. They have not experienced how it is to be hungry kaya insensitive sila.

Aling Lea, Aling Maritoni and Mang James, try living in a SQUALOR for one day. Tingnan natin kung maka-experience kayo manood ng Netflix. Masyado kayong mga pabibo sa social media. Ang feeling ninyo ay kay tatalino ninyo.

Lagyan n’yo naman ng konting common sense ang mga aria ninyo sa socia media. Ang feeling ninyo yata ay puro mayayaman ang mga Pinoy.

Read more...