Angeline sa namamakyaw ng alcohol: Ano yan iinumin n’yo? Isasahog sa nilaga?!

ANGELINE QUINTO

SA kabila ng pakiusap ng gobyerno na huwag mag-panic buying ng alcohol at face mask ay hindi pa rin ito sinusunod ng karamihan kaya kawawa ang wala nang mabili.

Isa si Angeline Quinto sa nagalit sa mga bumili ng maraming alcohol. idinaan niya sa TikTok ang sama ng loob.

Aniya, “Ito may real talk video na naman ako ha, nag-grocery ako kanina, nanggigil ako ang daming tao! Siyempre nag-panic buying mga tao. Shout out doon sa mga nag-panic buying ng alcohol ha! Ano kayo, inumin n’yo ang alcohol? Isahog n’yo sa nilaga? Kung makakuha kayo ng alcohol isang basket na ayaw ninyo mamigay? Kayo lang may pambili?

“Huwag kayong sakim, mamahagi rin kayo! Ayaw ninyong magka-bacteria, lahat-lahat naman tayo ayaw nating magkasakit pero sana mag-share rin kayo ha!

“Kasi kung kayo lang ang may alcohol at kapitbahay mo walang alcohol tapos magkasakit ang kapitbahay mo, mahawaan ka rin kaya mamigay ka hindi ‘yung lahat sakupin ninyo!

“Tapos nakita ko, nakita ko rin sa grocery kanina tapos nag-post sa Facebook, binebenta niya ang alcohol kaya pala ang dami niyang biniling alcohol kasi binebenta niya sa online, magkanong benta, P700! Hay anong gagawin mo sa 700? Magkanong bili mo sa alcohol, P35? Ang laki naman ng tubo mo, palaklak ko sa ‘yo alcohol mo, eh, ipainom ko sa ‘yo ‘yan, eh. Tubong lugaw ka? Samantalahin mo mga tao?”

Nauna nang nagpahayag ng sama ng loob si Angel Locsin sa mga nagbebenta online ng face mask sa halagang P1,500. Gusto kasing bumili ng aktres ng marami nito para ipamigay sa health workers pero wala nang mabili.

Sa tindi ng galit ay nag-tweet si Angel ng, “Sa nagbebenta sa akin ng mask na nakalaan para sa frontliners natin for P1,500, MAKONSIYENSIYA HO KAYO.”

Read more...