Bela Padilla nakalikom na ng P3.3M para sa mga street vendor

IKINAGULAT ng Kapamilya actress na si Bela Padilla ang pagtawag sa kanya ng isang tao para mag-donate ng P2 million para sa kanyang online fundraising project.

Tatlong araw pa lang ang nakalipas matapos niyang ilunsad ang online fundraiser na “Pagkain para sa Pinoy” sa Go Get Funding website ay nakalikom na sila ng mahigit P3 million.

“I was just woken up by a call. Somebody donated 2 million pesos. We are now at 3.3M pesos,” ang bahagi ng good news na ipinost ni Bela sa kanyang social media account.

 

Ayon sa aktres, inilunsad nila ang “Pagkain para sa Pinoy” para makaipon ng malaking halaga para ibahagi sa mga taong mawawalan ng kita habang naka-lockdown ang Metro Manila at mga kalapit probinsya.

“A lot of Filipinos who won’t be able to rely on their normal sources of income during the quarantine-period, including our favorite taho, dirty ice cream, and banana cue vendors,” ani Bela.

Nauna nang ibinandera ng dalaga ang balitang napakarami nang nagpapadala ng tulong, “We hit the target of 1,000,000 pesos!!!! thank you!!! Looking for the best deals for food now and hopefully be able to deliver everything this week! THANK YOU.”

“I will close the gogetfunding page at midnight later so I can compute exactly how much food we can donate! Again thank you! And we still have 4&1/2 hours to keep on donating,” aniya pa.

 Bukod dito, ibinahagi rin ni Bela sa kanyang Instagram Stories na nag-offer na rin ng tulong ang kapwa niya artista at negosyante na si Marvin Agustin.

Ani Marvin, handa siyang ipagamit ang kanyang kitchen at maghanap ng mga volunteer na nais magluto ng pagkain para sa mga kababayan nating apektado ng isang buwang  enhanced community quarantine sa buong Luzon.

 

Read more...