Sa Abu Dhabi ang kontrata, sa Dubai napunta

TRABAHO at kumita ang dahilan ng ating mga kababaihan sa kanilang pag-aabroad, kahit may nakaambang panganib.

Ngunit ang pang-aabuso at kalupitan ng dayuhang employer ang nagtutulak sa kanila na bumalik na lang sa Pilipinas.

Nasa Dubai si Rhodora Victorino. Nakapagpadala siya ng mensahe sa Facebook account ng Bantay OCW. Hiling niya mapauwi na siya sa lalong madaling panahon. Nailakip niya ang kaniyang cellphone number sa kaniyang mensahe.

Kaya naman nang tinawagan siya ng Bantay OCW, halos hindi ito makapagsalita sa takot na marinig ng kaniyang employer.

Sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates ang orihinal na destinasyon ng OFW.

Nakaranas ng matinding pang-aabuso si Rhodora. Madalas ‘anya siyang pinagdadabugan ng kaniyang among babae at bantay sarado ang bawat kilos niya. Nang magreklamo siya sa kaniyang ahensiya sa Dubai, pinayuhan lamang siyang magtiis na lamang at baka pa saktan siya ng kaniyang employer.

Muling nagpadala ng mensahe sa Facebook si Rhodora at sinabi niyang nasa agency siya nang muling tawagan ng Bantay OCW at hindi rin makapagsalita dahil may nakabantay sa kaniyang Ethiopian.
Inulit ang pakiusap na mapauwi na siya.

Napakabata pa nang bawian ng buhay ang 25 anyos na si Joel Garia. Bukod sa niloko pa ito ng ahensiyang nagpaalis sa kaniya dito sa Pilipinas, hindi pa nasunod ang orihinal na kontratang napirmahan ng ating OFW.

Ngunit nang mamatay ang asawa, nalaman na lamang ni Eden na tinanggal pala siya ng agency nito bilang benepisyaryo ng insurance company nang pumanaw na asawa dahil hindi raw ito kasal kay Joel. Isang taon pa lamang ang anak nila.

Nang magtungo si Eden sa ahensiya ng mister, nalaman niyang tanging ang anak na lamang ang nasa listahan ng benipisyaryo.

Ngunit kailangan pang maghintay ng 18 taon ang bata bago pa nito makuha ang insurance claim ng namatay na ama.

Agad namang sumaklolo si Atty. Elvin Villanueva, ang author ng librong “Gabay sa mga Karapatan ng OFW” at sinabi niyang hindi tama na basta na lamang aalisin ng ahensiya ang pangalan ni Eden bilang benepisyaryo ng kaniyang asawa. Pinayuhan din niya si Eden na magtungo sa Insurance Commission at ipaalam ang ginawa ng ahensiya ng asawa. Katuwang si Atty.

Villanueva, pinadala rin ng Bantay OCW si Eden sa tanggapan ni Administrator Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Dumulog sa Bantay OCW si Rebson Tidalgo, run away OFW mula sa Saudi Arabia. Inabuso ng kanilang employer, walang matinong tirahan, walang lutuan. Ang matindi pa, 1,875 SR ang orihinal na suweldong napagkasunduan, ngunit 1,000 lamang ang aktuwal na tinatanggap. Maraming pahirap pa ‘anya ang ginawa ng kanilang employer kung kayat tumakas na lamang ito.

Inilapit ng Bantay OCW ang kanyang hinaing sa National Labor Relations Commission at Philippine Overseas Employment Administration upang kaagad maibsan ang matinding sama ng loob na dinaranas ni Rebson. Kasamahan din niya ang na-stroke na OFW na Joel Garia.

Sisiguraduhin ng Bantay OCW na mananagot ang ahensiyang nagpaalis kina Rebson at Joel.

Read more...