Angel nagpasalamat sa health workers, sundalo’t pulis: Salamat, kaya natin ‘to!

KAARAWAN ni Neil Arce nitong Marso 15 at sa pagkaalam namin ay wala siyang bonggang selebrasyon kasama ang fiancée na si Angel Locsin dahil ito rin ang simula ng community quarantine sa Metro Manila.

Nabasa namin sa social medis ang birthday greeting ni Angel para sa kanyang future husband.

“To the man who has been my best friend for years, my partner in crime, and the love of my life, happiest birthday! @neil_arce
please, wag kang magkakasakit,” mensahe ng aktres.

Stay at home nga lang si Angel ngayon at ang isa sa mga pinagkakaabalahan niya ay ang fur baby niyang si Pwet Pwet na kung hindi kami nagkakamali ay nasa 12 taong gulang na.

Caption ni Angel sa litrato niya habang yakap si Pwet Pwet, “Help our health workers. STAY HOME. Spend time with your fur babies.”

Ipinost din ng aktres sa kanyang Instagram account ang ginagamit niyang gamot para labanan ang COVID-19, ang ascorbic acid o vitamin C, multi-vitamins at siyempre ang alcohol.

“Hygiene and a healthy immune system are our best weapons aga,inst this viral war. Keep your hands clean and your body healthy,” caption nita sa photo.

Samantala, naaawa naman si Angel sa mga kababayan nating gustong pumasok sa trabaho sa unang araw ng community quarantine na arawan lang ang kita.

Ipinost pa niya ang litrato kung saan nagsisiksikan at naghihintay ang mga motorista at trabahador na makapasok sa boundary ng Metro Manila.

“My thoughts:

“Sa gitna po ng paglaganap ng CoVid19, walang sinoman na nasa matinong pag-iisip ang magnanais na lumabas sa matataong lugar para mahawa at makahawa ng sakit.

“Alam natin na importante ang social distancing at proper hygiene pero hindi po ito sasapat kung may mga kababayan tayo na kelangang maghanapbuhay bawat-araw para makakain at matustusan ang mga basic needs ng pamilya gaya ng pambayad sa renta, kuryente, tubig, at iba pa.

“Marami rin po sa kanila ay mga contractual workers, mga self-employed, maliliit na manininda na walang tiyak na kita sa araw-araw at baon sa utang.
“Kung matitiyak lang po sana ng ating pamahalaan na may financial support para sa kanila, hindi nila kelangang sumugal sa labas.

“Malaking bagay din kung may temporary stop on amortizations and loans o kahit pagtanggal sa interest & penalties. Sana rin ay magbigay ng consideration ang mga kumpanya ng basic utilities like kuryente at tubig bilang kawang-gawa sa mga mahihirap na apektado ng dislocation sa trabaho.

“Sa mga companies na tumulong sa mga empleyado, sana bigyan po ng tax break para wag malubog ang mga kumpanya.

“And also, I hope Philhealth will shoulder treatment for those who have CoVid19.

“Maraming salamat po sa ating mga public officials, pulis, military, etc na gumagawa at nagpapatupad ng batas para po sa kaligtasan natin. Maraming salamat rin po sa mga totoong IDOL, ang ating mga walang kapagurang health workers.

“Kaya natin ‘to!” ang mahabang mensahe ni Angel sa gitna ng pakikipaglaban ng buong bansa sa COVID-19 pandemic.

Read more...