May utang sa SSS pero maglo-loan uli

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa mga bumubuo ng inyong pahayagan.

Madalas po akong nagbabasa ng inyong column at lagi kung nababasa ang mga sagot ng SSS sa inyong mga letter-senders. Marami po akong natutuhan at mabuti na lamang po at palaging nakasuporta ang SSS sa inyong column. Gusto ko lang po na itanong ang tungkol sa SSS contribution ng asawa ko. Gusto ko lang pong malaman kung pwede na po siya na makapag-loan? Malaking tulong po sana ang kanyang malo-loan bilang pangnegosyo. Sana ay matulungan kami ng SSS sa aming katanungan. Eto po ang SSS number ng aking mister 03-8…

***

Batay sa records, hindi pa siya maaaring makapag-file ng salary loan dahil may balanse pa siya sa pagkakautang na nagkakahalaga ng P11,226.11 at wala siyang anim na hulog sa nakalipas na anim na buwan simula noong Agosto 2019.

Upang ma-qualify sa salary loan, kinakailangan na ang miyembro ay may anim na posted na contributions sa nakalipas na 12 buwan bago ang buwan ng pagpa-file ng application sa salary loan. Delinquent loan na rin ang kanyang salary loan kaya ito ang magiging dahilan na ma-reject ang kanyang aplikasyon. Salamat po.

Maria Cecilia F. Mercado

Social Security Officer IV 7/F, Media Affairs Department

SSS Building, VIOP 50

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq

Read more...