Airline offices pinabubuksan

NANAWAGAN ang isang lady solon sa mga airline companies na buksan ang kanilang mga tanggapan para sa mga nagpapa-rebook at nagpapakansela ng kanilang biyahe.

Sinabi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na marami itong natatanggap na reklamo mula sa mga taong pumunta sa mga tanggapan ng mga airline company subalit sarado ang mga ito.

    May mga nagrereklamo rin umanong pasahero dahil sinisingil ng $150 penalty sa kinakanselang tiket.

Binigyan ng 72 oras ang mga dayuhan na umalis ng bansa bago tuluyang isara ang mga paliparan bilang bahagi ng Enhanced Community Quarantine.

“Airlines should allow full refund of cancelled tickets and free rebooking because it is not the fault of their customers that they are not proceeding with or postponing their trips. The travel ban is forcing them to stay home. They should not be penalized for complying with government-imposed measures,” ani Castelo.

 Nanawagan naman si Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ng corporate social responsibility sa mga kompanya upang matulungan ang mga Filipino na apektado ng Covid-19.

“These companies have the whole gamut of resources under them and they are just waiting to be tapped for assistance,” ani Gatchalian, chairman ng House Committee on Trade and Industry. “The national health emergency is an opportune time to seek the support of big companies and facilitate a fruitful collaboration with them.”

Naaprubahan na sa Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang Corporate Social Responsibility bill.

    “The principle to imbue a social function to these business organizations to become effective partners of our government is very timely in this extraordinary time of great need,” ani Gatchalian.

Naniniwala si Gatchalian na may mga pribadong kompanya na handang tumulong sa gobyerno upang matugunan ang problemang kinakaharap ng bansa.

“ I am certain that any donations sought for and given freely will be met with outstretched arms, especially that our own President has openly encouraged it during his address to the public of an Enhanced Community Quarantine. Any uncertainty of moral or ethical concern must give way to the primordial intent to fulfill a social and civic responsibility,” saad ng solon.

Read more...