Sa caption ni Angel sa ibinahagi niyang pictures sa Instagram ay inilarawan niya kung ano si Neil sa kanyang buhay.
“To the man who has been my best friend for years, my partner in crime, and the love of my life, happiest birthday! (red heart emoji)@neil_arce,” mensahe ni Angel.
This is the second year na ise-celebrate ni Neil ang kanyang birthday na officially on sila ni Angel. Last year, isang bonggang pa-surprise birthday party ang treat sa kanya ng aktres with matching golf cart as birthday gift.
But this time, baka wala munang pa-party for Neil’s birthday. Unless, siguro very limited lang sa pamilya nila ni Angel at ilang kaibigan ang kanilang imbitahan.
Iniinda pa rin kasi ng buong Metro Manila ang hagupit ng banta ng coronavirus sa ating mga buhay. Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng gobyerno ang commumity quarantine para hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Bukod sa very limited lang ang galawan within the city at close contact with other persons, may idineklara pang curfew sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya. So, paano pa nga naman magpa-party?
Kaya ang hiling lang ni Angel kay Neil for his birthday ay, “Please, wag kang magkakasakit.”
Naman. Sabi nga, health is wealth pa rin. Aanhin mo nga naman ang kayamanan kung dadapuan ka ng kung anu-anong sakit, di ba?
Saka hinihintay na kaya ng publiko ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib na siguro, e, naantala lang dahil sa COVID-19 na ‘yan.
Perwisyong virus!
Anyway, wala pang detalyeng ibinibigay sina Angel at Neil tungkol sa kanilang wedding pero mismong ang aktres na ang nagsabi na hindi muna siga gagawa ng anumang project this year para sa preparasyon ng kasal.
Magiging hands on na raw sila ni Neil sa kanilang wedding pero promise niya hindi naman niya iiwan ang showbiz kahit kasal na siya, but definitely mababawan na ang oras niya sa pag-aartista dahil ang magiging priority na niya sa buhay ay ang kanyang family.
Sa pagkakaalam namin, this year na magaganap ang wedding, yan ay kung hindi na magbabago ang plano nina Angel at Neil considering the development sa COVID-19 crisis.