Dating sexy star bawal bumili ng 3 sako ng bigas sa grocery store ng asawa | Bandera

Dating sexy star bawal bumili ng 3 sako ng bigas sa grocery store ng asawa

Reggee Bonoan - March 17, 2020 - 12:34 AM

PALAGI naming ka-chat ang aming kapatid, ilang kamag-anak at kaibigan sa ibang bansa at iisa lang ang kuwento at hinaing nila.

Wala na silang mabilhan ng food supplies, disinfectant, alcohol, tissue paper at vitamin C sa Costco, Tiger Mart, Walmart at iba pang kilalang supermarkets doon.

Binanggit namin ang Island Pacific Supermarket sa US na pag-aari ng asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo na si Nino Lim kung saan matatagpuan din ang kanilang Island Pacific Seafood Market

Nakita namin kung gaano kalaki at karaming panindang Filipino products sa Island Pacific Supermarket noong nasa Rancho Cucamonga, CA kami. Nabanggit din namin sa kanila na pawang mga kababayang Pinoy din ang staff nila.

Katwiran nila sa amin, wala raw sa lugar ng New York City, New Jersey, San Francisco at Las Vegas ang nabanggit na supermarket kaya hindi sila makapunta.

Nang itsek namin, pawang sa California lang may branch ang pag-aaring negosyo ng mister ni Krista.

Anyway, mukhang mahigpit ang asawa ni Krista na si Nino dahil hindi niya pinapayagan ang panic buying sa kanyang supermarkets para lahat nga naman ay makabili ng mga pangunahin nilang pangangailangan.

Mismong si Krista ang nagkuwento nito nang subukan niyang bumili ng tatlong tig-25 kilos na bigas.

Ang post ni Mrs. Lim sa kanyang Instagram account nitong Linggo ng umaga, “Last night, I tried to buy 3 sacks of rice and the Store Manager Anne in Santa Clarita was very apologetic in telling me that per my husband’s policy all customers are limited to 2 sacks of 25 lbs rice or 1 sack of 50 lbs rice.
“She told me that my husband said no exception even for his friends and family. So proud of you Anne. You did the right thing.”

Pero ang nakakatawa ay ang bilin ni Krista sa kanyang asawa, “To my husband @ninojeff we will talk later. Next time you ask me for another child, my policy is no more.”

May limang anak na kasi ang mag-asawa at mahigit isang taon palang ang bunso nilang si Baby Nyles Jordan na bininyagan nitong Marso 7, 2020.

Samantala, bago pa nangyari ang pamimili ni Krista ng tatlong sako ng bigas ay pinuri niya ang kanilang mga empleyado sa walang kapagurang pagtulong sa lahat ng mamimili sa gitna na rin ng COVID-19 crisis sa buong mundo.
Kasabay nito ang laging pagbibilin sa mga shoppers sa “no to panic buying of tissue paper.”

“Thankful for the employees who are working tirelessly round the clock to help fulfill the needs of the customers.

“Rice is still limited but as stock arrives, deliveries are being made to all the stores. Salamat po sa inyong lahat. I know it’s been a tough week but we will all get through this!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Let’s prepare but not hoard. Let’s think of the elderly and immunocompromised who may not be able to go out and shop for necessities. How can we help one another? How can we flatten the curve?
“Wash your hands, practice social distancing, and please don’t buy all the toilet paper! May God bless and protect us all.

“PS extremely proud of the Filipino spirit, still cheerful even while waiting in line for rice,” mensahe pa ng dating aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending