NAKATAKDANG pumasok sa public listing sa stock market ngayong 2020 ang Viva Communications, Inc..
Hindi lang kasi sa movies ang konsentrasyon ng Viva ngayong taon, sasabak na rin sila sa streaming media arena.
Na-invade na ng group of companies ni Boss Vic del Rosario ang Netflix at iflix. Ang pinrodyus na pelikula ng Viva na “Jowable” ay nag-number 1 sa top 10 movies sa bansa sa Netflix nang i-launch ito last Feb. 14.
Ang pelikulang “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo” nina Andrew E, Janno Gibbs at Dennis Padilla ay namamayagag naman sa iflix.
And of course, pagdating sa concert scene, soldout ang unang major concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, ang “Unified.”
Nangunguna rin ang PBO ng Viva sa cable TV ratings. Ilan pa sa Viva cable channels ay ang Viva TV, TMC (Tagalized Movie Channel), CMP (Celestial Movies Pinoy) at KMP (Korean Movies Pino) at Sari-Sari na inaasahang mag-e-enjoy rin sa mataas na ratings.
Sa movies, box-office hits ang releases ng Viva na “On Vodka, Beers and Regrets” at “Hindi Tayo Pwede.”
Patuloy ang pamamayagpag ng Viva Communications this year dahil bukod sa 34 movies na target nitong gawin, meron pang international releases, exciting concerts, cut through music, new releases sa OTT and VOD platforms ang nakahanda kahit na nga may coronavirus sa bansa.