Chito, Neri nag-donate ng pagkain sa healthcare workers

 

Muling pinuri ng madlang pipol ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig dahil sa effort nila para makatulong kahit paano sa mga medical at healthcare workers na patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa mga pasyenteng Pinoy.

Nag-donate ng pagkain at inumin ang showbiz couple sa isang ospital sa Tagaytay sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa.

“800 rolls of spanish bread and 800 coffee sachets para sa lahat ng mga bayani natin sa Tagaytay Medical Center,” caption ni Neri sa kanyang Instagram post.

Aniya pa, “Gusto lang namin talaga na iparamdam sa kanila kung gaano namin naa-appreciate yung ginagawa nila at sana sa ganitong paraan ay mapangiti namin sila inspite ng nararamdaman nilang pagod, puyat, at pangamba.”

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagtatrabaho sa lahat ng ospital lalo na po sa mga panahon na eto. Bayani po talaga kayo,” dagdag pa ng misis ni Chito na may food business din sa Tagaytay.

Read more...