HINDI lang bigong makalahok sa kumpetisyon kundi stranded din sa Malaysia ang mga miyembro ng Philippine weightlifting team na pinamumunuan ni 2016 Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz matapos ang isinagawang travel ban bunga ng banta ng coronavirus (COVID-19) pandemic.
Kabilang si Diaz sa limang Filipino weightlifters na umaasa sana na mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.
Patungo sana sila sa Colombia subalit biglaang nag-anunsyo ang mga organizer ng Ibero-American Open noong Linggo na bawal ang mga dayuhan na pumasok sa kanilang bansa kabilang na ang mga weightlifter mula sa Asya at Europa na kasali sana sa Olympic qualifying tournament.
Sinabi naman ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na kinakailangang manatili muna sa Malaysia ni Diaz kasama nina SEA Games gold medallist Kristel Macrohon, Rio Olympian Nestor Colonia, Eileen Ando, John Ceniza, at Mary Flor Diaz.
Umaasa sana si Diaz na makalahok sa nasabing kumpetisyon sa Cali, Colombia na siyang ikaanim at huling sasalihang torneo para masiguro ang kanyang ikaapat na diretsong paglahok sa Olympics.
Ang 29-anyos na tubong-Zamboanga City ay kasalukuyang ranked No. 4 sa mundo sa 55-kilogram weight class.
MOST READ
LATEST STORIES