Parañaque City at Mandaluyong City nagdeklara na ng state of calamity dahil sa COVID-19

NAGDEKLARA na ng state of calamity ang Parañaque City at Mandaluyong City sa harap naman ng banta ng coronavirus disease (COVID-19)

Sa isang Facebook post,  sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na aprubado na ang Resolution 2020-12 para sa pagsasailalim ng lungsod sa state of calamity.

Hinimok ni Olivarez ang mga residente na maging alerto at manatili sa bahay para makaiwas sa COVID-19.

“Isang paalala sa lahat ng mamamayan ng lungsod ng Parañaque na mag-iingat sa lahat oras, tamang impormasyon ang palaganapin, maging kalmado at alerto sa bawat oras. Kung wala naman pong gagawing mahalaga, ay manatili nalamang po sa inyong tahanan upang mapigilan ang patuloy na paglawak ng COVID-19,” sabi ni Olivarez.

Ipinasa naman ng City Council ng Mandaluyong ang Ordinance No. 759 Series of 2020, kung saan isinasailalim ang lungsod sa state of calamity. Inquirer.net

Read more...