DUMATING na sa bansa ang unang batch na 2,000 piraso ng fast test kit para sa COVID-19 virus na donasyon ng Chinese Embassy sa Pilipinas at China Mammoth Foundation bilang tulong sa paglaban sa nakamamatay na sakit.
Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, magpapadala pa ng dagdag na test kit ang China sa mga susunod na araw, sa kanyang ginawang pakikipag-usap sa telepono kay Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil sa latest developments sa donasyon ng China sa Pilipinas.
Ang high-tech fast test kits na dinivelop ng China BGI Group, ay kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras, na siyang ginagamit ng China ngayon sa paglaban sa epidemya, at napatunayang epektibo. May 50 bansa na rin ang nakikinabang sa nasabing fast test kit gaya ng Japan, Thailan, Brunei, Egypt, Peru at UAE.