NAWINDANG si Sunshine Cruz nang ibandera on national TV ng dating aktor na si Chuckie Dreyfus na nagkaroon sila noon ng relasyon.
Sa nakaraang episode ng Bawal Judgmental sa Eat Bulaga, pinangalanan ni Chuckie sina Sunshine at Jessa Zaragoza sa mga naging girlfriend niya noong magkakasama pa sila sa That’s Entertainment, ang sikat na sikat na youth-oriented show noon sa GMA 7 (umere mula 1986 hanggang 1996).
Sa nasabing segment ng Eat Bulaga, mga dating members ng That’s ang naging choices ng celebrity contestant na si Heart Evangelista at isa nga riyan si Chuckie na umaming nagkaroon siya ng 9 or 10 girlfriends sa That’s Entertainment.
Napilitang pangalanan ng dating aktor sina Sunshine at Jessa nang hamunin siya na sabihin sa harap ng Dabarkads kahit dalawa lang sa mga ito.
Aniya, “Si Sunshine…matagal ko niligawan si Shine. Give or take, six or seven months. Di ko na maalala pa.”
Pero umalma si Sunshine sa pasabog ni Chuckie, fake news daw ang pinagsasabi nito sa Eat Bulaga. Nag-post ang aktres sa Facebook ng mahabang mensahe para klaruhin ang issue kasabay ng pagsasabing isa lang ang naging boyfriend niya noon, at yan ay si Cesar Montano na naging asawa niya.
Ibinahagi rin niya sa FB ang video clip ng Bawal Judgmental para mapanood ng kanyang followers.
“In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news that’s not going to be of any help at all,” simulang pahayag ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “I am being bombarded since yesterday by people. I was 14-15 years old when I joined That’s Entertaiment. Batang-bata! Meaning wala akong balak makipag relasyon dahil ang gusto ko makakuha ng break at makatulong sa pamilya ko.
“There was no US! Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo. Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga? Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo? 10 naman pala ang naging gf mo so bakit kami pa ni Jessa na hindi mo din naman pala naging gf ang binanggit mo?
“A real man will never say such lies on national tv! Kina macho mo naman ba yan?! Lol!
“For the record, my ex husband was and will always be my first bf. Wag na mag claim ang iba dyan. Tanda na natin. Sana nakuha mo ang gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!” paglilinaw pa ni Sunshine.