Agot naloka sa biglang pag-alis ng driver dahil sa COVID-19

NA-BASH nang husto si Agot Isidro when she tweeted something about her driver.

“Nagpaalam umuwi ang driver ko sa probinsya muna dahil sabi ng asawa nya isasara na ang probinsya nila (Pangasinan) sa Lunes, wala nang makakapasok.

“At babarilin daw ang sinumang may sakit. Ayan. Wala kasing klaro.

“Of course, I let him. He was really scared. In-explain ko naman. Naguluhan pa rin sya. Hay.”

That was her tweet which merited nothing but bashing.

“May mga tao talagang mahina umintindi lalo nat matanda na…pwede mu nman ipaliwanag sa kanila ang tama pero wag mu na isisi sa gobyerno kung mahina umitindi driver mo….lahat na lang!”

“Dalawa lang ibig sabihin niyan, hindi siya naniniwala sayo o mali ang explanation mo sa kanya.”

“Eh sa magulo din mag explain yung kausap…. o kahit sa pageexplain biased…. gusto pasamain lalo sitwasyon e di naguluhan lalo si driver.”

“Siguro kailangan na po ng tulong ng psychiatrist ng driver niyo kung ganyan na sya ka-scared. biruin mo mas natakot sya sa ganyang gawa-gawang kwento kaysa sa katotohanan na kumakalat na ang corona virus at kahit sino ay pwedeng kapitan ng sakit??? ang babaw nga.”

Read more...