#Umay: Madlang pipol wala nang paki sa drama ng JaDine

MAY umay factor na ang sightings kina James Reid at Nadine Lustre.

Nakitang magkasama ang dalawa sa isang resort kasama ang ilang friends. Obviously, they were enjoying each other’s company.

“Eto na naman si tita iniinggit ako,” caption ni @myblltzn sa dalawang photos niya nina James at Nadine.

Marami ang nawalan na ng interest. Kasi naman, parang pinaglalaruan lang nila ang fans. Matapos silang umaming break na noong January, heto at ang daming sightings sa kanila together. People thought they were taken for a ride.

“Not interested.”

“Friends with benifits.”

“Wapakels.”

“Tupper ware.”

“Ayan talaga ang break. Break na sila guys breaaaaaaaaak! Hahahaha! kalokohan.”

‘Yan ang reaction ng netizens sa young couple.

 

Read more...