I-text kay Madam Sophia (August 07, 2013)

Mula kay Benjoe ng …6488, Olongapo City. December 13, 1979 ang birthday ko. Gusto ko pong malaman kung ano ang mapalad kong numero at saang lotto outlet dapat tumaya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 13, 1979 mapalad ka sa lahat ng numero na may suma total na 4, 6 at 9, tulad ng 4, 13, 22, 31, 40, 49, 6, 15, 24, 33, 42, 51, 9, 18, 27, 36, 45, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 15, 27, 34, 40 at 43, gayon dina ng 7, 10, 22, 31, 40 at 49.
 Upang matiyak ang malaking panalo maghanap ka ng lotto outlet na mahaba ang pila, at makipila ka duon sa panahong papalubog na ang sikat ng araw sa buwang ito ng Agosto hanggang Disyemrbe. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na masasapol mo ang jackpot.
>>>
Mula kay Jerica Maries ng Cotabato City. January 18, ang birthday ko. Magkakabalikan pa ba kami  ng boyfriend ko?
Tugon ni Madam Sophia: Kung ang boyfriend mo ay isinilang sa zodiac sign na Virgo, Taurus, Cancer o kaya’y kapwa mo Capricorn na may birth date na 3, 12, 21, 30, 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 8, 17, at 26, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2013 magkakabalikan pa kayo.
>>>
Mula kay Neneng ng …8721, Angeles City. Nagkahiwalay po kami ng mister ko, na isinilang nuong February 26, 1981 at March 1, 1980 naman ako. Magkakabalikan pa kaya kami?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthdate mong March 1, 1980 at February 26, 1981 naman ang mister mo, magkakabalikan pa kayo, kaya lang muli kayong mag-aaway at maghihiwalay. Laging ganon ang sitwasyon, away-bati, bati-away. Para matapos na ang cycle o paikot-ikot o pabalik-balik lang na pangyayari, kailngang ma-abroad o lumayo ang isa sa inyo. Sa sandaling may nag-abroad o nakapag-trabaho sa malayong lugar sa isa sa inyo, tiyak ang magaganap – sa malayong lugar uunlad siya at yayaman, hanggang sa mapagtapos nyo sa pag-aaral ang inyong mga anak. Sa panahong iyon, hindi na kayo magkakahiwalay, magkakasama na kayo sa isang maunlad at maligayang pamilya habang buhay.

Read more...