MAY lovelife na nga ba ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto?
Yan ang tanong ng kanyang fans and social media followers matapos mag-post ang dalaga ng litrato ng isang lalaki sa Instagram at binati niya ng happy birthday.
Caption ng dalaga sa nasabing IG photo kung saan makikita ang isang guy na nakatayo sa isang dilaw na sasakyan, “Happy Birthday. God bless you,” with matching smiling face, halo at face throwing a kiss emoji.
Ayon sa comments ng netizens, ang lalaki ay nagngangalang Chris Marcos Chan. Ito rin daw ang non-showbiz guy na na-link kay Angeline noong 2016.
“Si Chris Marcos Chan ‘yan. ‘Yung dating na-lilink kay Angge,” ayon sa netizen na may handle name na @cashey_1.
At tama nga siya dahil sinagot ni Chris ang post Angeline at nagpasalamat dahil mas naging espesyal daw ang kanyang birthday celebration dahil sa kanyang greeting.
“Thank you so much @loveangelinequinto. Made my day extra special,” reply ni Chris na nilagyan pa niya ng high five at heart emojis.
Mas lalong kinilig ang fans ni Angeline nang mag-post uli ang dalaga ng ilang video clips sa Instagram kung saan mapapanood ang bonding moments nila ng mga kaibigan kung saan kasama rin si Chris.
Hindi pa man umaamin si Angeline kung ano talaga ang real score sa pagitan nila ni Chris, mukhang botong-boto naman sa kanila ang kanyang fans.
Huling na-link ang dalaga kay Erik Santos pero pareho silang nagsabi na espesyal sila sa isa’t isa pero magkaibigan lang talaga ang status nila.