Joross pinasok na rin ang pagsusulat, pagdidirek

JOROSS GAMBOA

Joross Gamboa felt that as an artist ay kailangang fluid ka.

“Ako, in a way, pinasok ko na rin ‘yung behind the scene sa industriya sa pagsusulat at pagdidirek. Actually, humihingi ako ng tips kay direk kung paano ‘yung steps na dapat kong gawin kung paano ko i-execute ang isang bagay bilang isand director dahil nga isa siya siya sa matatagal nang director. Marami akong natutunan kay direk,” say ni Joross.

He was referring to his iWant original “Fluid” director Benedict Mique, the director of “Momol Nights”.

“Tayo naman kasi, kailangan nating maging fluid kasi ‘yung technology, kailangan nating mag-cope with change. Medyo kailangan nating sabayan ang pagbabago ng panahon. Siyempre, dapat may standards ka sa buhay mo.

“Dapat meron kang foundation. Sasabayan mo ang mundo pero sasabayan mo ang standards,” dagdag pa niya.

Streaming na ang iWant original series na “Fluid” na pinagbibidahan nina Roxanne Barcelo at Joross.

Read more...