Kris, 2 anak pinatira ni Willie sa pag-aaring beach resort; ipinasundo pa sa helicopter

SA pagpapatupad ng “community quarantine” sa Metro Manila, nagdesisyon si Kris Aquino na mag-stay muna sa isang beach resort para ipagpatuloy ang pagbabakasyon nilang mag-iina.

Ayon sa TV host-actress, handa na sana silang magtagal sa Boracay nina Joshua at Bimby habang nasa “community quarantine” ang buong Metro Manila dahil na rin sa paglaganap ng coranavirus disease sa Pilipinas, pero bigla ngang nagbago ang sitwasyon.

Kasalukuyang tumutuloy ngayon ang mag-iina sa beach resort na ipinagagawa ni Willie Revillame. Sa katunayan, mismong ang Wowowin host pa ang nagpasundo sa kanila gamit ang pag-aari nitong helicopter.

Nag-post si Kris ng isang short video sa kanyang Instagram account kung saan makikita si Kris kasama ang mga anak sakay ng  helicopter ng TV host-comedian.

Sa isang bahagi ng video, makikita rin si Kris na nakasakay sa yate ni Willie habang ibinabandera ang ipinapatayong beach resort ng TV host.

Ipinakita rin sa video si Willie na personal pang nag-spray ng pabango sa kuwartong tutuluyan ni Kris at ng dalawang anak. Narito ang caption ni Kris sa IG video.

“I’ll try to make this short, TRY– for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma,” simulang pahayag ng TV host.

Pagpapatuloy pa niya, “A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.

“If you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him– na SHY na ko.

“I included shots of how beautiful our country is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan,” chika pa ni Kris.

Read more...