NBA star Kevin Durant nagpositibo sa coronavirus

 

KABILANG na ang NBA star forward na si Kevin Durant sa mga manlalaro ng sikat na American pro basketball league na may coronavirus (COVID-19).

Si Durant ay kabilang sa apat na manlalaro ng Brooklyn Nets na nagpositibo sa coronavirus matapos ang pagsusuri.

Maliban kay Durant ang iba pang NBA players na kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus ay sina Utah Jazz All-Star players Rudy Gobert at Donovon Mitchell at Christian Wood ng Detroit Pistons.

Hindi naman binanggit ni Durant sa panayam sa kanya ng The Athletic ang pangalan ng mga kakampi niya sa Nets na nagpositibo sa COVID-19 bagamat sinabi niya na maayos pa ang pakiramdam niya.

 

Read more...