Ivana ilang beses naloko, nagmakaawa sa lalaki; nagpaka-sugar mommy din

DAHIL sa mga lalaking manloloko at paasa, natutong maglasing noon ang sexy star na si Ivana Alawi.

Sa isang video na ipinost sa YouTube, inamin ng dalaga na naging BFF din niya ang alak habang nagmu-move on sa heartbreak.

“Kunwari nasasaktan ako, yung alak minsan ang tumutulong sa akin kunwari para makatulog. Marami na (akong beses nalasing), kasi ilang beses na akong niloko. Tapos pinapatawad, tapos niloloko ako ulit.

“So, suking-suki na ako sa alak kapag brokenhearted, lagi siyang [alak] nandiyan,” natatawang pahayag ni Ivana sa nasabing vlog.

Naghabol na rin siya noon sa lalaki, “Lagi naman, e. Di ba, kunwari dati nag-away kami ng ex ko… dating-dati pa ‘to, yung college. Sabi ko, iinom ako para malimutan ko siya, tapos kapag, ‘Hello, Babe, balikan mo na ako, Babe…”

“Yun yung istorya, tapos ayaw pa rin. Alam mo yun, naloko pa rin niya ako binalikan niya ako, tapos niloko ulit,” aniya pa.

Nagpaka-sugar mommy din daw siya sa isa niyang ex-boyfriend noong college, “Ako pinapa-gas niya sa kotse niya, ako ang pinapabili, ni hindi nga ako ma-date sa McDo. Ha-hahaha!

“Pero minahal ko pa rin yung gag**ng yun, pero hindi na ngayon,” tawa pa nang tawang kuwento ng bagong Pantasya ng Bayan.

Bukod dito, ganu’n din daw ang nangyari sa second boyfriend niya, “Niloko din ako. Mga buwisit yung mga lalaki! After nu’n, sabi ko ayoko na. Mga buwisit ang mga hinayupak.”

Pero ibang-iba na ngayon ang sitwasyon dahil ang mga lalaki na ang naloloko at nababaliw sa kanya dahil sa kanyang kaseksihan at kasikatan.

Read more...