KANSELADO na ang airing ng bagong show ni Vice Ganda sa ABS-CBN na Everybody, Sing dahil pa rin sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.
Ang Everybody, Sing ay isang community singing game show kung saan may 100 contestants ang magpa-participate. At dahil nga sa ipinatutupad na national public health emergency, nagdesisyon ang ABS-CBN na huwag munang iere ang pilot episode nito ngayong Sunday, March 15.
Ito sana ang papalit sa talkshow na Gandang Gabi Vice na nagtapos na last Sunday. Pero postponed nga muna ang airing nito dahil sa COVID-19 pandemic.
Narito ang mensahe ni Vice sa pagkansela sa pag-ere ng pilot episode ng Everybody, Sing sa It’s Showtime kanina, “Sa gitna po ng kasalukuyang public health issue, ipinaabot po ng Everybody, Sing!, ang bagong programa po na ihu-host ko sana sa Linggo, ipinaabot po namin mula sa Eveybody, Sing! na postponed po muna ang pag-ere ng aming pilot episode sa Linggo, sa March 15.
“So, paumanhin na hindi niyo muna mapapanuod ang Everybody, Sing! sa Sunday hangga’t hindi pa po kumakalma ang mga pangyayari dulot ng COVID-19.
“Sa puntong ito, ang kaligtasan ng lahat, lalong lalo na po ng mga kalahok namin na isang daang mga Pilipino sa Everybody, Sing! ang aming pinapangalagaan at binibigyan ng atensyon, kabilang na rin po ang mga artists, ang lahat ng contestants ang production team, at ang aming utmost priority talaga ay ang kaligtasan ng lahat.
“Maraming maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta, mga Kapamilya,” lahad ng TV host-comedian.
Ani Vice ang mga nakaraang episodes ng Gandang Gabi Vice ang mapapanood sa mga susunod ng Linggo.
Narito naman ang official statement ng Everybody, Sing, “In light of the current public health issue brought about by COVID-19, the team of Everybody, Sing! regrets to announce that the show’s pilot episode will be postponed to another date.
“While we are excited to bring entertainment to our viewers, the safety and well-being of our artists, contestants, and production team are our outmost priority at this point.
“Thank you for your understanding and support, Kapamilya.”