Julia malapit nang ibanderacang bafong BF; si Gerald pa rin ba o may iba na?

JULIA BARRETTO

NAGHAHANDA na nga ba si Julia Barretto para sa gagawing pagpapakilala sa kanyang “loved one”.

Usap-usapan ngayon sa social media ang Instagram post ng Kapamilya young actress na bahagi pa rin ng kanyang 23rd birthday celebration.

Kapansin-pansin kasi ang caption na inilagay ni Julia sa litratong ipinost niya sa IG na umano’y patungkol sa isang espesyal na taong nakasama niya sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan kamakailan.

Isa itong intimate dinner kung saan nakasama ang 10 miyembro ng kanyang pamilya at isa pang tao na tinawag niyang “loved one.” Anim ang litratong ipinost ng dalaga kung saan nakasuot siya ng red dress.

May photo rin sila ng kanyang inang si Marjorie Barretto kasama ang kapatid na si Erich.
Wala siyang ibinahaging group photo kasama ang iba pang guests pero ang paniwala ng kanyang followers naroon nga ang taong nagpapaligaya ngayon sa kanya.

“For my birthday this year I decided to do things differently. A dinner for 10, my family and a loved one.

“And today, I woke up fuller than ever. Thank You Jesus,” buong caption ni Julia sa kanyang IG post.

Ilang netizens ang nanghula na baka si Gerald Anderson ang tinutukoy ni Julia kaya mas pinili nitong ilihim na lang ang identity nito para makaiwas sa pangnenega ng bashers. May nagpayo naman sa dalaga na ito na ang tamang panahon para aminin at ibandera sa madlang pipol ang kanyang “loved one.”

Maraming nagtanong kay Julia kung sino nga ba ang kanyang mystery guy pero wala siyang sinagot sa mga ito.

Pero feeling namin, ito na ang sign na malapit nang ipakilala ni Julia sa madlang pipol ang kanyang bagong boyfriend. Let’s just wait and see kung sino nga ba ang maswerteng guy!

 

Read more...