Panlimang kaso ng COVID-19 naitala sa Quezon City

KINUMPIRMA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isang 26-anyos na lalaki ang panlimang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.

“Sa ngayon po, lima na po. Lima ang amin pong positive,” sabi ni Belmonte sa panayam ng dzMM.

“Itong panlima, nakakagulat dahil napakabata, 26 years old,” dagdag ni Belmonte.

Idinagdag ni Belmonte na residente ang pasyente ng Barangay Bagong Lipunan ng Crame at walang kasaysayan ng pagbiyahe.

“Lalaki po at ang kanilang bahay at matatagpuan sa Barangay BL Crame. Sabi nung magulang sa akin, walang travel abroad. Hindi pa po nila alam kung sino ang nakasalamuha o paano niya nakuha,” ayon pa kay Belmonte.

Unang nagpositibo ang pasyente sa dengue, ayon pa kay Belmonte.

“In fact, ilang hospital na ang napuntahan nya at dengue ang sinasabing sakit nya. Ngayon lang daw po nila nalaman na hindi dengue,” dagdag pa ni Belmonte.

Tiniyak ni Belmonte na isasailalim sa pagsusuri ang pamilya ng pasyente.

Inamin naman ni Belmonte na hindi pa tiyak kung kabilang ang pasyente sa l49 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ng DOH.

Read more...