Erectile dysfunction sa may diabetes | Bandera

Erectile dysfunction sa may diabetes

Dr. Hildegardes Dineros - August 07, 2013 - 07:00 AM

GOOD day, Doc. Ask ko lang po kung ano ang gawin pra hindi na pawisan ang under arm ko? Nakakahiya kasi hindi naman nangangamoy, everyday naman akong naliligo at gumagamit din ako ng deodorant pero ganon pa rin minsan nahihiya akong gumalaw lalo na pag pinapawisan na ang underarm ko. Ano po ba ang mabisang way para mawala ito. Thanks and more power. — Cedel, 30, Zamboanga, …5393

Ang sobrang pagpapawis sa mga parte ng katawan gaya ng kilikili at singit ay dahil sa mas mataas na temperatura ng balat kapag ito ay nagdidikit. Maliban pa ito sa presensysa ng mas maraming “sweat glands” sa mga lugar na iyon. Madalas ay “neuro-hormonal challenge” ito. Matuto kang mag-relax. Kung ikaw ay overweight, magbawas ka ng timbang. Kung “autonomic responses” ang sanhi nito, may operasyon na pwedeng gawin dito. Good day po do, ask ko lang po bakit may gatas pa rin ang dede ko kahit 10 years na ang bunso kong anak at ngayon po ay tumigas na ang gatas at may bukol na biglang tumubo sa my bahagi ng nipple. Last year po nag paprolactin index po ako at mataas po ang resulta sa normal level at my history din po ako ng ovarian polycystic. Ano po ba ang mabisang gamot nito? Sana matulungan nyo po ako. – BJ, 38, Digos City, …8927

Ang bukol sa suso mo ay dahil sa namuo na gatas, “Galactocoele” ang tawag dito, hindi kanser at maaring hindi galawin kung wala ka namang nararamdaman na kirot. Ang kinakailangan na malaman ay kung bakit mataas ang iyong “PROLACTIN”. Isang hormone na nangggaling sa isang parte ng utak, ang “pituitary gland”. Kailangan masigurado na walang problema sa parte na ito. May mga tests pa na dapat gawin gaya ng BRAIN MRI, at iba pang hormonal tests. Sumangguni sa isang “Endocrinologist”. Bago lang ako na Diagnosed having “Type2 Diabetes Mellitus” ng isang espesyalista. Sa ngayon under treatment po ako for 2 weeks under her management. Matanong ko lang Doc, natural ba sa isang Diabetiko na hindi titigas ang ari? Kasi dati morning erection nakaramdam pa ako. Nahiya naman akong magtanong sa doctor ko dahil girl po siya. Thanks, — Albert, 46, Bansalan, Davao del Sur, Kahit bago ka pa lang na na-diagnose na “diabetic”, possible na matagal na rin ang iyong sakit dahil meron na itong mga kumplikasyon gaya ng problema sa bato at ang iyong “Erectile Dysfunction”. Kailangan lang na maibaba ng husto ang iyong blood sugar at magkaroon ng pagkakataon na mawala ang diabetes sa pamamagitan ng agresibong pagbabago ng “lifestyle” (dyeta at ehersisyo), gamutan, o kaya “METABOLIC SURGERY” kung kinakailangan. May lunas yan, huwag mawalan ng pag-asa, basta lang magamot muna ang “DYABETES”. Si Dr. Heal ay napapakinggan din sa Radyo Inquirer 990AM gabi-gabi mula alas 8 hanggang 9:30 sa programang Radyo Medico. May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending