Horoscope, March 12, 2020 | Bandera

Horoscope, March 12, 2020

Madam Sophia |March 12,2020
facebook
share this

Horoscope, March 12, 2020

Madam Sophia - March 12, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos kang pinagpala! Sa isang hindi sinasadyang sitwasyon makakaranas ka ng isang nakakikilig na relasyon. Sa pinansyal isang dati ng kakilala ang magaabot sa iyo ng malaking halaga. Markahan ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. White at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Sagittarius, pagkakataong mo ng umunlad. Sa lovelife, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Magenta at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Wag magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Kikita ka ng malaking halaga kung ipiplit mo ang iyong guso. Sa lovelife at pinansyal, sa sandaling naging independent ka na, magsisimula ka ng umunlad at habang buhay na lumigaya. Markahan ang 9, 12, 17, 26, 38 at 44. Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa pinansiyal, may mga salapi at material na bagay na soresa at hindi inaasahang matatnggap. Sa lovelife, ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Markahan ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49.. Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Hindi ka dapat pang hinaan ng loob, ituloy mo lang ang iyong ginagawa, malapit mo ng maabot ang iyong pangarap. Sa lovelife wag pag hinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Sa pinansiyal, utuin ang kasuyo upang magbigay siya ng dagdag na pera. Markahan ang 7, 16, 33, 39, 42 at 48. Indigo at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa lovelife, ang dating nakakabato at nakakaboring na relasyon ay muling iinit at sasaya habang pumapasok ang panahon ng tag-araw. Sa pinansiyal, ito ang panahon upang umpisahan na ang negosyong noon mo pa binabalak. Markahan ang 7, 19, 25, 34, 40 at 43. Gold at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa lovelife, minsan pa maiisip mong mahalaga pala ang salapi upang magkaroon ng isang masaya at pang habang buhay na relasyon. Markahan ang 7, 16, 23, 34, 41 at 49. Green at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Upang ma-refresh ang isip at damdamin, laging makinig ng musika. Ang mga love song music at classic ang magpapalakas ng iyong enerhiya na siya at ito rin ang aakit ng dagdag suwerte at magagandang kapalaran. Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi mo bibigyan ng encouragement ang kasuyo paano uunlad ang inyong buhay? Markahan ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Blue at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Kapag palagi namamasyal at nabibili mo ang mga gamit na noon mo pa balak na bilin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon. Markahan ang 9, 12, 21, 31, 37, at 40. Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pinansyal nakatakda na sa iyo ang yumaman. Sa lovelife, gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay. Markahan ang 2, 17, 22, 29, 34, at 43. White at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Hindi ka magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng isip at rason. Sa pinansiyal, gamitin ang salapi upang magpakaligaya. Markahan ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Ituloy ang kasalukuyang ginagawa at dagdagan pa ang effort, ito ang panahong tuloy-tuloy kang susuwertehin at uunlad ng todo. Sa lovelife, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Markahan ang 8, 17, 24, 34, 44 at 47. Blue at red ang buenas na kulay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending