NAG-REACT si Cristina Gaston, whoever she is, sa isang post ng Regal Entertainment kung saan nakalagay ang photo ng Regal celebrities. Ito ay bilang pagbati ng film outfit ng Happy Women’s Day.
“Baketch waley si Eternal Snooky my love & La Bonnevie ditetch? Nailagay ang mga starletitas of the nation sa likod at walah ang dalawa? Na-iim ako!!!” caption ni Cristina Gaston sa Facebook.
Nag-react naman ang followers niya.
“So true Ms. CG. Nakakaimbyerna ang lay out na yan. I have seen the original post at wala talaga si Marya. I was also surprised bakit wala sila Snooky and Dina. It is unreal. Yung mga nasa likod halos hindi naman kilala.”
“Madam in fairness mas madaming hit movies ang mama Guy ko sa Regal noh kesa sa ate Vi noh kya hinde dapat maliit ang pic.”
“Baka may pakimkim sila. Pag sinabing Regal noon Alma Rio Lorna Amy Dina Snooky Maricel Janice Julie Vega Gretchen Alice Maricel Laxa Jean Garcia Kris Aquino etc. Mga may class.”
“Mas madami pa ang mga starlets kesa sa mga actress, mga aktres aktresan po. kalungkot naman. Di nag isip bago ipost yan. sana big pictures sina ate guy at ate vi na malaki talaga nagawa para yumaman ang Regal ng bongga!”
Pero ang nakakaloka ay ang comment ni Elizabeth Oropesa or Jacqueline Elizabeth Freeman who said, “The original Regal Baby is me.. and Gina P, pero hindi na sya baby nun..hehehe. Kahit itanong kay Mother Lily. Tatlong pelikula ko ang tumabo at nag lukluk sa Regal bilang production. Pero kung gustong angkinin ng iba ang credit, okay lang. kebs!”