NAGBIGAY ng tips at payo ang ilang kilalang celebrities para maprotektahan ang sarili sa gitna ng dumaraming kaso ng novel coronavirus (COViD-19) sa iba’t ibang ng Pilipinas partikular na Metro Manila at Rizal province.
Ayon kay Iza Calzado, unang-unang dapat gawin ay ang palakasin ang immune system para hindi madaling dapuan ng kahit anong sakit o virus, “Honestly it’s just really about strengthening my immune system.
Unfortunately not everybody will have access to a vitamin drip.
“Not everybody will even be able to afford the vitamin C that can take as many. For me that’s my personal pangontra, just awareness,” pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.
Aniya pa, “Of course, if a person is sick, let’s try not to be near them, or make beso, or touch our face after being near them. Let’s just be mindful, and let’s not spread panic. I think everybody just need to sleep better, and be more mindful, huwag kayong magwalwal please.”
Inamin naman ng co-star ni Iza na si Sam Milby sa bagong Kapamilya series na Ang Sa Iyo Ay Akin na talagang napraning siya kamakailan nang magkaroon siya ng lagnat.
“Honestly two weeks ago, medyo na-scare ako kasi nilagnat ako and all the symptoms, tapos the next day dapat may taping, pero hindi ako nag-taping. So I isolate myself for a few days.
“But yung lagnat nag-last lang naman ng six or seven hours, so hindi naman ganoon katagal. Pero I had sore throat, sinuses, ubo, it’s a bit scary,” lahad ng hunk actor.
Makakasama nina Iza at Sam sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin sina Maricel Soriano at Jodi Sta. Maria na mapapanood sa Kapamilya Gold very soon.
Samantala, para naman kay Lovi dapat sundin ng bawat Pilipino ang payo at kautusan ng Department of Health at ng mga local government para makaiwas sa COViD-19.
“Even us, nakaugalian ko na makipagbeso sa mga tao and lumapit sa mga tao. Minsan it’s something that I still want to do but parang ngayon like what you said, we have to be extra careful na talaga,” ani Lovi na kinansela na rin ang trips abroad.
“I was supposed to go to Italy and mayroon din akong store opening sa Middle East na na-cancel din because of what’s happening,” pahayag ng Kapuso actress.
Chika naman ni Benjamin Alves, ang leading man ni Lovi sa upcoming series ng GMA 7 na Owe My Love, “It if isn’t necessary, avoid the big crowds.”
Hindi na rin siya tumuloy sa pagpunta niya sa ibang bansa, “I really did make my decision not to because I don’t want to jeopardize ‘yung production if I ended up being quarantined for two weeks. That’s minimum two weeks kung mahanap na wala kayong sakit. But if you’re sick, it takes even more. I don’t want to jeopardize the production.”
Mapapanood na ang dalawa sa Kapuso drama na Owe My Love kung saan makakasama rin nila sina Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, Jackielou Blanco, Nova Villa, Winwyn Marquez at Leo Martinez.
Sa kanyang Facebook account naman, ibinahagi ni Christian Bautista ang kanyang iwas-COViD tips. Aniya, “We should always be cautious, we should wash out hands and try not to touch our faces. Always have a hand sanitizer around, kung possible bring your own soap.”
“Pero wag mo namang ubusin ‘yung nasa grocery. Other people need alcohol and face masks as well. Huwag muna tayong mag-shake hands. We can do online stuff as well. But it should not stop our lives. Don’t be scared. Always pray, be safe out there. Be kind to one another.”