Mocha nag-trending, pinatawa na naman ang mga netizens

TRENDING na naman ang pangalan ni Mocha Uson matapos mag-viral ang isang video niya sa social media.

At siyempre hindi pinalampas ng kanyang mga bashers ang pagkakamali ni Mocha nang sabihin niya ang “La Trinidad, Baguios.”

Ang municipality ng La Trinidad ay matatagpuan sa Benguet.

Nasa number four top trending spot ang salitang La Trinidad dahil dito, as of posting time.

https://twitter.com/BonWillebrandDs/status/1237623588175237120

 

Sa video, binati nya ang mga nanood sa kanya.

“Andito po tayo sa La Trinidad, Baguios. Baguios City.” aniya.

Kinorek naman niya agad ang kanyang sarili matapos siyang lumingon sa mga kasama sa video at tinanong kung ‘La Trinidad, Baguio pa ba tayo?’

Hindi ito ang unang beses na nagkamali siya sa lugar.

Naging viral din ang ‘pagpapalipat’ ni Mocha sa Bulkang Mayon sa Naga mula sa Albay noong 2018 kung saan nag-sorry din siya.

 

Read more...