Vice Ganda vs Boobay & Tekla: Tuloy ang bakbakan, matira-matibay

VICE GANDA, BOOBAY AT SUPER TEKLA

TUMIKLOP na nang tuluyan ang weekly talk show ni Vice Ganda after nine years.

Huling episode na ng programa ang napanood ng publiko noong March 8 kung saan isa sa naging guests si Raffy Tulfo.

Idinaan ni Vice ang pamamaalam sa kanyang Twitter account. Mahabang “commercial break” daw ang mangyayari sa kanyang magbababu na show.

Siyempre, malaki rin ang epekto sa kanyang Sunday show ang katapat niyang Kapuso comedy program na The Boobay and Tekla Show.

Hindi man ito aminin ng mga namamahala sa show, pero marami ang naniniwala na ang madalas na pagkatalo ni Vice kina Super Tekla at Boobay kaya nagdesisyon na ang management na tapusin na ang weekly talkshow ng TV host-comedian.

Pero sa kabila nito, agad ding lumutang ang balita na ang magiging kapalit ng nagbabu na show ay si Vice pa rin ang host. Kaya nga sa tweet ng komedyante nasabi nito ang mga katagang “no goodbyes.”

Ibig sabihin siya pa rin ang mag-ookupa ng iiwang timeslot ng show niya kaya tuloy pa rin ang banggaan nila nina Boobay at Tekla.

JUN

Read more...