Yoon Hyun Min, Hwang Jung Eum pakilig sa ‘That Guy is That Guy’

HWANG JUNG EUM AT HYUN MIN

KOREAN word of the week: “Ka-ji-ma-Sa” — sa Ingles ito’y “Don’t go” at sa Tagalog naman ay “Huwag kang umalis.”

* * *

Maaaring magtambal sina “She Was Pretty” actress Hwang Jung Eum at “My Holo Love” actor Yoon Hyun Min sa upcoming romantic comedy series na “That Guy is That Guy”.

In-offer kay Jung Eum ang karakter ni Seo Hyun Joo, isang team manager sa isang webtoon.

Metikuloso pagdating sa trabaho at dahil dito puro mga sikat na writers na nakakatrabaho niya.

At mahit malakas ang kanyang charm ay sawi pa rin siya sa pag-ibig kaya mas pinili na lang niyang maging single.

Inaalok naman kay Hyun Min ang karakter ni Hwang Ji Woo, ang CEO ng isang pharmaceutical company. Dahil hindi siya laging ngumingiti, madalas siyang inilalarawan bilang taong mahirap basahin simula pa noong bata. Kaya niyang maglakbay sa kanyang nakaraan at bukod pa doon ay meron pa siyang iniingatang sikreto.

Inaasahang mapapanood na “That Guy is That Guy” sa katapusan ng Hunyo.

 

Read more...