Horoscope, March 11, 2020 | Bandera

Horoscope, March 11, 2020

Madam Sophia |March 11,2020
facebook
share this

Horoscope, March 11, 2020

Madam Sophia - March 11, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan.  Sa lovelife muling sasaya ang pakikipag-relasyon pagsapit ng buwan ng Abril. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na halaga ng  salapi ang mahahawakan. Markahan ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Green at gold ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)-  Isa lang ang pormula upang umunlad at yumaman – ang mag-ipon. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng isang-libong-piso kada buwan bago gumastos. Sa lovelife, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya at magiging masaya rin ang inyong pamilya. Markahan ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)- Ituloy mo lang ang naiisip mong negosyo, pagkakataon mo na upang yumaman. Sa lovelife sundin ang mga mungkahi ng kasuyo, upang lalo pang umamis at sumarap ang iyong relasyon. Markahan ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Violet at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)- Tama ang ginagaw among pagre-relaks. Sa pagninilay at paglilibang, mare-recharge ang iyong energy, muling gaganda at aaliwalas ang kapalaran.  Sa lovelife, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat magdala ng dami, sa kanya mo mararanasan ang ligaya habang buhay. Markahan ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Red at white ang buenas.

 Cancer – (June 22- July 22)-Wag sarilinin ang suliranin. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa lovelife, wag dayain ang sarili, aminin mo ng mahal mo ang isang Scorpio! Markahan ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Yellow at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)- Sa lovelife kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit.  Ngiti ang susi sa isang masarap at romantikong relasyon. Ngiti at pagiging laging masaya rin ang susi upang ang suwerte sa larangan ng materyal na bagay ay tuloy-tuloy mo ng makamit.  Markahan ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)-Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa lovelife tapang din ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi, ngayong tag-araw, yayain siyang mag-swimming. Markahan ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)-  Mag hanap ng mga taong magaganda at guwapo. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa lovelife, ang kaakit-akit na kapaligiran na maraming mga halaman ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan. Markahan ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)- Iwasang ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa lovelife, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation. Markahan ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)-Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang makamit ang pagyaman. Sa lovelife, wag masyadong utusan ang kasuyong masunurin, baka makahalata na siya na lagi mo na lang siyang ina-under.  Markahan ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)- Susuklian na ng langit ang mga pagsisipag na iyong ginagawa. Sa susunod na mga araw, mas malalaki at boggang-bonggang suwerte ang iyong matatanggap. Sa lovelife wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Markahan ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Gray at silver ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)-  Ipayapa ang isipan, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa lovelife, meditation at pagyo-yoga ang magpapasulak ng iyong libido upang makarami ka at suwabeng marating ang climax. Markahan ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Blue at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)-Malapit na ang Holy Week, simulan na ang pagnilay. Sa  mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa lovelife, kapag payapa  ang puso masarap na  relasyon ang makakamit at sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap.  Markahan ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Magenta at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending