Duterte hindi susundin ang ‘no touch policy’ ng PSG

RODRIGO DUTERTE

TAHASANG sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya susundin ang ‘no touch policy’ na itinakda ng Presidential Security Group (PSG) para matiyak ang kanyang kaligtasan sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

“Kalokohan ‘yang protocol-protocol. I will shake hands sa… Anak, ang akin bang sinasabi na sa iyo na kung pata — kung tawagin na ako ng Diyos ngayon oras na ito, pupunta na ako. Tapos na ako. Naging Presidente na ako, pinakamataas na maabot ng isang tao. Mga anak ko okay lang,” sabi ni Duterte.

Nauna nang inihayag ng PSG ang ‘no touch policy’ kung saan bawal hawakan si Duterte.

 “Eh trabaho ko ‘yan eh. Cannot. Pwera na lang kung ‘yang mga participants nila matakot. Kung ako, tatanungin ko sila: matakot pala kayong mamatay? Buti sana kung mayaman. Wala man kaming pera,” ayon pa kay Duterte.

Idinagdag ni Duterte na wala rin siyangbalak na tanggihan ang mga imbitasyon sa kanya.“I will shake hands with everybody. I am going to Mindanao to visit my dead soldiers if I — if they are still there — and to congratulate my warriors,” ayon pa kay Duterte.

Read more...