BINEBERIPIKA na ng Department of Health (DOH) kung nasawi ang pansiyam na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Nasa Medical City sa Ortigas, Pasig ang 86-anyos na Amerika, na residente ng Marikina City.
May hypertension ang pasyente at bumiyahe sa United States at South Korea.
“Meron tayong binabantayan na isa, di ko alam kung totoo na pabalita sa akin na isa daw Amerikano, isang pasyente, mukhang pumanaw kaninang umaga. Pero we still have to validate that. Pero ganun din, may pre-existing condition,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam sa DZMM.
Nauna nang kinumpirma ni Pangulong Duterte na umabot na sa 24 ang kaso ng COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES