Hugot ni Ethel Booba kontra Covid-19 bentang-benta

ETHEL BOOBA

Pati corona virus ay hindi pinalampas ni Ethel Booba.

“Grabe yung init dito sa Pilipinas. Kung ako yang corona virus di ko matatagalan ang mag-ikot ikot sa labas. Charot!” tweet niya.

Of course, play time lang niya iyon pero sinakyan ‘yun ng kanyang followers na iba’t iba ang reaction.

“I like the humor sa tweet na to! Kaya di gaanong tumatalab si Covid sa Pinoy eh.”

“Chrue! Di ba naiistress yang Covid na yan dito satin?! Walang kwenta gobyerno. Mainit. Yung mga tao maissue! Sowss. Alis dito!!!!!”

“Hindi din matanggap ng mga virus na ang kulay nila ay dilaw. Cheret!”

“Sana si @MochaUson tablan nun kaso anay nga fave food nya iniiwasan sya e.”

“Pinagpala pa rin kayo dahil mainit dyan kaya mabagal ang kalat ng virus. Officially winter pa rin dito kaya ang bilis kumalat ng virus. Kaya sobrang takot na takot kami. Ingat lagi esp at may baby na kayo.”

Read more...